Marahil, marami ang nagulat sa mga nangyari sa mga nakalipas na araw.. Nagulat sila na ‘nagsalita’ ako, at may lumabas na pahayag mula saken patungkol sa mga nangyari sa USC (ACLE) sa nakalipas na taon.
Unang una, nais kong ituwid ang naunang lumabas dito sa blog ko patungkol sa ACLE.. Tama ang nakalagay dun bagamat may ilang pagtingin pa ako na hindi naisulat. At kailanganin kong aminin, hindi ako ang gumawa ng pahayag na nabanggit.. Alam [at napansin] ng mga taong nakakikilala sa akin na hindi ako ang gumawa nun, malayo daw yun sa paraan ng pagsusulat ko..
Noong una talaga ay bantulot ako na magsalita patungkol sa issue ng ACLE, dahil sa maraming kadahilanan.. Kaya nang marami nang lumalapit at nagtatanong, hangga’t maaari ay hindi ko pinapansin o di kaya’y sinasagot ko ng neutral na sagot.. Pero isang paglapit sa akin ang nahirapan akong tanggihan [at hindi ko nga natanggihan]. Alam ko, hindi nila intensiyon, pero nadala ako ng takot, kaya napayagan kong mangyari ang lahat.. Hanggang sa lumabas na nga yung unang pahayag na yun..
Matapos ang lahat, ninais ko na sanang manahimik na lang.. Ngunit ako ay nabigla ngayong araw, dahil ang pahayag na lumabas dito sa aking blog ay ipinakalat daw sa campus.. Naalarma ako at nabagabag.. Kaya nagdesisyon ako na gawin ito.. Na magbigay linaw sa mga nangyari.. Kaya lilinawin kong muli:
Ako ay humihingi ng paumanhin sa mga nabigla, nagtampo o nagalit.. Sana ay makatulong ang pagsasalita kong ito na mas mabigyang linaw ang mga pangyayari..
Anuman ang maging resulta ng papalapit na eleksiyon, hangad kong maging mapayapa at maayos ang lahat..
Yun lamang at maraming salamat..
Nakalagda,
(sgd.)
Jose Paolo P. Bernardo
Una, nais namin linawin ang isyu tungkol sa pagiging late ng pagbubukas diumano ng mga presinto. Totoong nagkaroon ng pagkahuli ang pagbubukas ng ilang mga presinto dahil nagkaroon ng problema sa pagiimprenta ng mga password ng mga estudyante. Pero ang balitang mahigit dalawang oras naantala ang pagbubukas ng ilang presinto ay walang katotohanan dahil ang pinakahuli nang nabuksang presinto ay nasa 40 minuto lamang matapos ang alas otso ng umaga.
Ikalawa ay ang pagpapahinto ng pagboto sa buong unibersidad. Bandang alas-nueve y media ng umaga ay nahinto ang pagboto sa loob ng ilang minuto dahil ni-restart ang server na kinaroroonan ng Halalan (yung software). Ikatlo ay ang isyu sa CAL kung saan nagkaroon ng problema sa network. Naging dahilan ito upang maantala ang pagboto ng mga estudyante pero matapos malipat sa CAL Library ang presinto ay naipagpatuloy na ang botohan. Ginawan ng Computer Center ng paraan na maiayos kaagad ang problema sa network, pero minabuti na lamang talaga na ilipat ang presinto sa CAL Library para maipagpatuloy nang muli ang botohan.
Isa pang isyu na lumabas ay ang tungkol sa mga non-major. Hindi naimprenta ang listahan ng mga estudyanteng non-majors pero sila ay nakapaloob na sa sistema kung kaya’t sila ay maaring makaboto basta maipaalam lamang sa Technical Person na naka-assign sa bawat presinto.
Isa sa pinakamalaking isyung lumabas ay ang tungkol sa “glitch” diumano ng programa. Laman ng isang mensaheng teleteksto ang mga salitang ito:
“As you vote for less than 12 councilors only, tick that name and leave the others blank. Wag mag-aabstain, mavovoid votes niyo. Just let it be. Don’t tick abstain. May glitch ang system. Please pass.”
Nais naming linawin na hindi “glitch” ng sistema ang tungkol sa abstain. Ito ay function talaga ng sistema kung saan kapag pinili mo ang abstain ay hindi mo na nais bumoto para sa posisyong pinagbobotohan. Nabanggit naman namin sa mga public demo na ganito nga ang gamit ng abstain. Halimbawa nito ay kung hindi mo nais kumpletuhin ang 12 konsehal sa USC, maaari mong piliin kung ilan lamang ang nais mong iboto nang hindi pinipili ang abstain.
Maraming salamat sa pagsuporta sa Halalan. Sana’y nabigyan namin ng linaw ang mga agam-agam niyo hinggil sa ating eleksiyon.
Contact:
Jose Paolo “JP” P. Bernardo
Member, USC Elections 2010 Technical Team
jp@jpbernardo.com
###

Categories
Tag Cloud
Blog RSS
Comments RSS
Last 50 Posts
Back
Void « Default
Life
Earth
Wind
Water
Fire
Light 