Thank you for inspiring us and sharing your talent. I wish you all the best.
I was able to attend the local forum in Malolos, organized by the Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) last April 10, 2010. And here are my insights:
[Sorry for the language.]
Naging pinakamainit ang talakayan para sa tatlong kandidato sa pagka-alkalde (mayor) na sina former Vice Mayor Al Tengco, Ate Carol Mangawang at Att. Christian Natividad.
Mga obserbasyon ko:
Ate Carol: Masyadong ideal ang mga pangako niya, sa realidad ay hindi iyon kayang abutin, at hindi rin kayang panatilihin kung sakali mang mag-exist. Tapos, yung vice niya, walang sense sumagot. I mean, sumasagot naman siya pero napapa-”ha?” na lang ako kasi walang nang connect dun sa tanong, wala pang connection yung flow nung mga sinasabi niya.
Al Tengco: Marami siyang naipangako ng mga magagandang bagay, na nasuportahan naman niya ng siguradong plano at aksyon. Yun nga lang, sobrang haba niya sumagot.
Atty. Christian: Magaling siyang sumagot, marahil ay nasa dugo naman kasi niya ang pulitika. Yung nga lang, siya naman ay tira ng tira sa kasalukuyang administrasyon, lalo na dahil and running mate ni Al Tengco ay nasa kasalukuyang sangguniang-bayan.
So sa pagtatasa ko sa mga nakita at naranasan ko noong gabing iyon, ito ay magiging laban nina Al Tengco at Atty. Christian, pati na rin ng kanilang mga running mate.
Pero abangan pa rin natin sa May 2010. Bumoto tayo ng tama. Tayo ang manguna sa pagbabago!

Categories
Tag Cloud
Blog RSS
Comments RSS

Void « Default
Life
Earth
Wind
Water
Fire
Light 