24 Feb 2010 @ 2:21 PM 

Una, nais namin linawin ang isyu tungkol sa pagiging late ng pagbubukas diumano ng mga presinto. Totoong nagkaroon ng pagkahuli ang pagbubukas ng ilang mga presinto dahil nagkaroon ng problema sa pagiimprenta ng mga password ng mga estudyante. Pero ang balitang mahigit dalawang oras naantala ang pagbubukas ng ilang presinto ay walang katotohanan dahil ang pinakahuli nang nabuksang presinto ay nasa 40 minuto lamang matapos ang alas otso ng umaga.

Ikalawa ay ang pagpapahinto ng pagboto sa buong unibersidad. Bandang alas-nueve y media ng umaga ay nahinto ang pagboto sa loob ng ilang minuto dahil ni-restart ang server na kinaroroonan ng Halalan (yung software). Ikatlo ay ang isyu sa CAL kung saan nagkaroon ng problema sa network. Naging dahilan ito upang maantala ang pagboto ng mga estudyante pero matapos malipat sa CAL Library ang presinto ay naipagpatuloy na ang botohan. Ginawan ng Computer Center ng paraan na maiayos kaagad ang problema sa network, pero minabuti na lamang talaga na ilipat ang presinto sa CAL Library para maipagpatuloy nang muli ang botohan.

Isa pang isyu na lumabas ay ang tungkol sa mga non-major. Hindi naimprenta ang listahan ng mga estudyanteng non-majors pero sila ay nakapaloob na sa sistema kung kaya’t sila ay maaring makaboto basta maipaalam lamang sa Technical Person na naka-assign sa bawat presinto.

Isa sa pinakamalaking isyung lumabas ay ang tungkol sa “glitch” diumano ng programa. Laman ng isang mensaheng teleteksto ang mga salitang ito:

“As you vote for less than 12 councilors only, tick that name and leave the others blank. Wag mag-aabstain, mavovoid votes niyo. Just let it be. Don’t tick abstain. May glitch ang system. Please pass.”

Nais naming linawin na hindi “glitch” ng sistema ang tungkol sa abstain. Ito ay function talaga ng sistema kung saan kapag pinili mo ang abstain ay hindi mo na nais bumoto para sa posisyong pinagbobotohan. Nabanggit naman namin sa mga public demo na ganito nga ang gamit ng abstain. Halimbawa nito ay kung hindi mo nais kumpletuhin ang 12 konsehal sa USC, maaari mong piliin kung ilan lamang ang nais mong iboto nang hindi pinipili ang abstain.

Maraming salamat sa pagsuporta sa Halalan. Sana’y nabigyan namin ng linaw ang mga agam-agam niyo hinggil sa ating eleksiyon.

Contact:

Jose Paolo “JP” P. Bernardo

Member, USC Elections 2010 Technical Team

jp@jpbernardo.com

###

Posted By: Jose Paolo Bernardo
Last Edit: 26 Feb 2010 @ 07:50 AM

EmailPermalink
Tags
Tags: , , ,
Categories: Uncategorized


 

Responses to this post » (2 Total)

 
  1. Philip A. Martinez says:

    Congrats halalan team!

    Magbibigay lamang po ako ng feedback. :)

    mas maayos ang botohan ngayon, sa palagay ko. pero yun nga, 4 o 5 letters lang ang password hindi po ba? kanina kasi, habang ako ay nakapili upang bigyan ng password, nakikita ko ang password ng iba pang tao. sa sobrang ikli ng password, madali ko siyang ma-mememorize. eh papaano kung alam ko ang student number niya, e di pwede narin akong bumoto para sa kanya? siguro po mas magiging secure kung pati ang Webmail password ay hingin din, hindi lamang ang ang password na kabibigay lamang.

    isa pa pong obserbasyon ay ang kawalan ng slate posters kahit man lamang sa labas ng polls. alam ko pong hindi na po ninyo ito sakop, pero pwede naman pong lagyan ng pictures/or avatar sa tabi ng pangalan ng kandidato hindi po ba? magpapadala nalang ang mga kandidato ng “mug picture” nila. kasi hindi po tulad ng national elections na kilala ko ang mga iboboto ko, malaking tulong kung makikita ko ang mga pictures nila. sa aking pagkakatanda, pwedeng maglaga ng pictures dito sa earlier version nng halalan na na-access ko dito:
    https://unplug.eee.upd.edu.ph/halalan/release/gate/admin

    yun lamang po. muli, congratulations! :)

    • Ang rason kung bakit ganoon lamang kahaba ang pasword ay para na rin sa convenience ng mga botante. At sa tingin ko ay hindi naman siya isyu maliba nga lang dun sa dahilang nabanggit mo. Tungkol sa kita kasi yung password, yung poll clerk na kasi yung may hawak nung sa password. Pero isasama ko siya sa gagawin namin assessment. Tapos, yung sa Webmail, isyu din kasi siya. Maaari kasing may mga kaibigan akong alam ang Webmail password ko. At sa totoo lang, napag-usapan na rin talaga ang paggamit ng Webmail login credentials ngunit dahil nga sa nabanggit ko nang kadahilanan ay hindi ito natuloy.

      Tungkol naman sa slate posters, tama ka na hindi na namin siya sakop. Pero yung tungkol sa feature na may picture, mayroon pa rin namang ganoon dun sa ginamit natin ngayong taon. Hindi nga lang ito inaprubahang gamitin dahil ang gusto nila ay maging electronic lang talaga yung hitsura nung balota na ginagamit dati sa manual na pagboto. So ayun, isyu na siya ng polisiyang ipnatutupad sa atin.

      Maraming salamat sa feedback, makatutulong ito para lalo pa nating ma-improve ang ating eleksyon sa mga susunod pang mga taon. :)

Tags
Comment Meta:
RSS Feed for comments

 Last 50 Posts
Change Theme...
  • Users » 232
  • Posts/Pages » 48
  • Comments » 23
Change Theme...
  • VoidVoid « Default
  • LifeLife
  • EarthEarth
  • WindWind
  • WaterWater
  • FireFire
  • LightLight

Links



    No Child Pages.

About



    No Child Pages.