I’ll be having a short vacation this weekend. I’ll start posting better articles next week!
Nagkakaproblema ka ba sa pag-access ng UP Websites sa labas ng DilNet. Pwes, gawin mo ito tapos email mo sa jpbernardo08@gmail.com yung mangyayari, or better if may screenshot kang ibibigay:
Bukas ka ng command prompt
>> Start Button tapos Run tapos type: command
>>Sa command prompt, type: tracert crs2.upd.edu.ph www.google.com
At yun nga, kung ano mangyayari, ipaalam agad sa amin. Maraming salamat.
P.S. Pwede din sa helpdesk@up.edu.ph kayo mag-email.
Na-offend ako sa isa kong co-SA. Wala lang. Kasi naman, nanay ko nga, inaaway ko ng dahil kay Regine, siya pa ba an pagbibigyan ko. Patay na yung ka-initials mo, tama ka na.
Sorry na, promise, after nitong post na ito, wala na yun. Tapos, buburahin ko din ito. Ngayon lang talaga.
Ito ang inawit ni ate Regine last Sunday (18-Oct-2009) sa Versions by Regine segment niya sa SOP.
Nagulat ako na ang aga nung segment niya that Sunday. Tapos, nabigla talaga ako kasi after ng commercial break, biglang start na agad siya. Bilang nirerecord ko kada performance niya, hindi ko narecord yung simula nung performance niya nung Sunday na ito.
Pero grabe, nag-enjoy ako talaga dun sa performance niya na ito. Napasayaw din ako sa harap ng TV. Yung boses niya, medyo may pinagbago na nga. Pero ganun pa rin eh, todo pa rin yung WOW factor nung pagkanta niya. Ang sarap pakinggan at panoorin. Lalo na yung last note niya, amazing! Sana every Sunday, talagang to the highest level ang pagkanta niya, pero syempre, wag yung to the max.
Comment land dun sa mga sumayaw (Regine Tolentino, Rich Asuncion at Sexbomb Cheche), galing din! Todo yung production number na ito.
Eto ang isang link sa video nung performance niya: I Will Survive Medley
Yan ang mga salitang narinig ko mula sa isang kasamahan. Nasabi niya yan matapos niyang malaman na ako ay isang malaking taga-hanga ni Regine Velasquez.
Dahil sa sinabi niya, napag-muni-muni tuloy ako. Totoo b ang sinabi niya? Matatanggap ko ba ito? Ang sagot ko ay “baka”.
Ito ay may pagka-totoo. Hindi na nga naman siya kasing-sikat ng dati. Dati kasi, ang OPM world ay Regine Velasquez world. Kapag tinanong ko ang mga kilala ko kung sino ang gusto nilang singer, si Regine Velasquez ang isinasagot nila sa akin. Pero ngayon nga, hindi na katulad ng dati. Pero masaya ako kasi nasa taas pa rin siya. Hindi man sa pinakataas ngunit isa siya sa mga nasa taas. Kilala pa rin siya ng maraming tao. Naalala ko yung sabi sa SOP dati nung kaarawan niya, “Hindi ka pinoy kung hindi mo kilala si Regine Velasquez.” Isa pa ay mabenta pa rin ang kaniyang mga album. Lahat ng album niya ay imposibleng hindi maging platinum sa maikling panahon lamang. Dagdag pa diyan ay ang mga concert niya. Ito ay napupuno pa rin. Katulad nga lang nung huli niya sa SkyDome, sold-out ang ticket kahit na dalawang linggo ito isinagawa at umuulan pa.
Anuman ang nangyayari sa paligid, isa lang ang mahalaga sa akin at ang pinaniniwalaan ko, mananatili akong taga-hanga ni Regine Velasquez. #
Hello

Categories
Tag Cloud
Blog RSS
Comments RSS
Last 50 Posts
Back
Void « Default
Life
Earth
Wind
Water
Fire
Light 